“MY God, Annie! Hindi ka na nahiya? Kung kailan ka umedad saka ka pa naglandi? Sa kwarto pa ng anak mo ikaw nakikipaghalikan! I can’t believe this, Anita! I surely won’t survive a heart attack kung sakaling mahina ang puso ko!” It was Annie’s older sister, Amelia. The woman caught us kissing inside Caroline’s room. Lumikha ng eskandalo iyon sa pamamahay ng mga Salcedo at saktong dumating naman ang mga magulang nila kaya halos magkulay suka si Annie. “Amelia, calm down. H’wag ka namang magsalita nang ganiyan sa kapatid mo. Pakinggan natin ang paliwanag nila,” mahinahong sabi ng Mama nila. Nasa living room kaming lahat, napapalibutan nila kaming dalawa ni Annie. “Anong ipapaliwanag niya, Ma? Huling-huli ko ang pagtataksil ng anak n’yong ‘yan sa asawa niya! At sa isang…. hmp! Por que gwap