“TAYONG dalawa lang ang uuwi ng Maynila, bukas. Iiwan pa rin si Caroline dito kina Mama,” sabi ko habang inaayos ang higaan ni Caroline. Wala akong narinig na tugon kaya nilingon ko si Jeff. Inihehele niya si Caroline. Pinagmasdan ko ang aking mag-ama. Gising pa pero, tahimik na nakatingin si Caroline sa tatay niya. Halatang nag-eenjoy naman si Jeff sa pagpapatulog sa aming anak. Napangiti ako. Hindi ko talaga akalain na ang simpleng pagbisita lang niya noong isang gabi ay mauuwi na pala sa aming kasalan. Ang bilis ng mga pangyayari. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na asawa ko na siya. Masasabi ko na ring may tatay na si Caroline. Buo na ang tunay na pamilya ng anak ko. Lumapit ako sa dalawa. Yumakap ako sa baywang ni Jeff na patuloy sa banayad na paghele sa anak. Naghikab si