CHAPTER 73

1655 Words

PAPADILIM na nang lumapag ang aming chopper sa helipad nang malaking ospital kung saan naroon si Papa. Niyakap ko sa baywang ang asawa ko sa pagbaba bago kami nagmamadaling tumakbo sa pinto ng rooftop. Sumakay kami ng elevator at bumaba sa ICU. Ilang sandali pa ay magkahawak-kamay kami ni Annie na lumabas ng elevator. “Kumusta si Papa?” tanong ko agad nang magpangita kami nina Nanay Remy at Tatay Ben sa harap ng ICU. Hindi sila sumagot. Kapwa sila napatingin sa aking kasama. Dumirecho na lang ako sa salamin ng kwarto at sinilip si Papa na nakahiga at walang malay. Naramdaman ko ang paghawak ni Annie sa balikat ko. Nilingon ko siya. “Everything will be okay. Magtiwala ka lang, mahal ko.” Maliit akong ngumiti sa asawa ko at tumango. Hawak pa rin ang kamay niya ay lumapit ulit ako kina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD