SUCCESSFUL ang ginawang operasyon sa Papa ni Jeff. The doctors were able to safely remove the blood along his skull. Gayunman ay hindi pa masabi ng mga ito kung kailan magigising si Senyor Jeremias. “It actually depends on the patient. Malaking bagay na kinakausap si Don Jeremias. Patients in coma may have speedy recovery whenever they hear familiar voices of their loved ones. Nakakatulong din na pamilyar na mga kwento ang kanilang naririnig dahil ginigising noon ang bahagi ng utak kung saan nakatago ang matatagal nang alaala ng isang tao.” Masuyo kong pinagmasdan ang aking asawa. Kahit hindi siya magsalita ay alam kong sobra-sobra ang pag-aalala niya ngayon para sa magulang. Isipin pang siya lamang ang maaasahan ng ama nila dahil may kapansanan pa si John. “Thank you, Doc,” sabi niya b