“TAGA Maynila ka talaga, Hijo?” tanong ni Mama kay Jeff nang makaupo na ito sa sofa na katapat ng inuupuan ko. Si Andres naman ay nasa tabi ko at may tinitingnan sa cellphone nito. “Hindi po, Ma’am. Taga-Ilocos Sur po talaga ako. Nasa Maynila lang po ang trabaho ko.” Tumango-tango si Mama. Pagdating ng katulong ay sinenyasan niya ito na ibigay kay Jeff ang inihandang kape. “Ang mga magulang mo, Hijo? Naroon ba sila sa Ilocos?” Si Papa naman ang nagtanong. Ganito lagi sila kapag may mga bisita kaming dinadala sa bahay. Ini-interview talaga nila at inaalam ang lahat ng pwedeng alamin. “Si Papa lang po at ang kuya ko ang naroon, Sir. Wala na po ang Mama ko.” “I’m sorry about that, Hijo,” nakikisimpatiyang sabi ni Mama. “It’s okay, Ma’am. Matagal naman na pong nangyari.” “Jeff... Tit