(JEFF) NATANAW ko ang paghinto ng taxi sa ikalawang building ng isang apartment complex. Mula sa sasakyan ay bumaba si Annie at sandaling lumingon sa paligid bago pumasok sa entrada ng gusali. Mula sa opisina niya sa ADS ay palihim kong sinundan si Annie. Pwede kong tawagan si Steve para hingin na lang ang address niya pero, mas minabuti kong sundan na lang siya. An apartment complex. Dito ba nila piniling tumira ng asawa niya? Anong klaseng asawa ang Daniel na ‘yon at hindi man lang binigyan nang sariling bahay si Annie? Sa pagkakaalam ko ay professional at may maganda itong trabaho. He could afford to buy a house for his wife pero, bakit pinili nitong itira si Annie sa ganoong lugar? Kinuha ko ang cellphone ko. Ilang ring lang ay sumagot agad ang private investigator. “St