“HINDI ko alam kung anong sinasabi mo, Jeff,” kalmadong wika ni Annie habang isa-isang dinadampot ang mga gamit niya. Tumingin siya sa akin. "Wala akong kasalanan na dapat bayaran sa’yo." I smirked. Inisang-hakbang ko ang pagitan namin at hinablot ang braso niya. “Magmamaang-maangan ka pa talaga? Itatanggi mo pa rin ang mga ginawa mo?” Tumalim ang tingin niya sa akin. “Hindi ko alam kung anong tinutukoy mo!” asik niya sabay waksi sa kamay ko pero, hindi ko siya binitiwan. “Gusto mo bang ako mismo ang magsabi kung anong tinutukoy ko, Annie? Ha, sumagot ka. Gusto mo ba?” “Then say it! Ang dami mong pasakalye, tukuyin mo kung anong problema mo para matapos na ang pag-uusap na’to!” “Ang anak ko, Annie!” Hindi ko napigilang isigaw iyon sa kaniya. Natigilan si Annie. Namimilog ang mga