FINAL CHAPTER

2064 Words

“BUMABA ka,” utos sa akin ni John matapos niyang inihinto ang sasakyan sa gilid ng burol. Malayo-layo rin ang ibiniyahe namin pero, may palagay akong hindi pa kami nakakalabas sa lupain ng mga Navarro. Humarap ako sa kaniya upang magmakaawa. Hindi na maampat ang pagtulo ng luha ko. “John, nakikiusap ako! Hayaan mong balikan ko si Jeff! Maawa ka naman sa kapatid mo, John…” “Sinabi kong bumaba ka, bumaba ka!” sigaw niya na gumulat sa akin. “Ayoko ng paulit-ulit, Annie kaya sundin mo na lang ang sinasabi ko!” Umiling ako. “J-John… m-maaw- Ah!” Napasadlak ako sa upuan nang biglang umigkas ang kamay niya. Nahawakan ko ang pisngi ko na nangainit sa lakas ng pagsampal ni John. “Ayaw mong bumaba? Fine! Maglaro muna tayo, sister-in-law,” nakangising sabi niya at isinuksok ang baril sa likuran

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD