NAGISING ako nang makaramdam ng pagkapaihi. Unti-unti akong nagmulat sa namimigat kong mga talukap. Dilim ang natagpuan ng mga mata ko at may babahagya mang liwanag ay yaong nanggagaling sa bed lamp. Tuluyan akong nagising. Kahit kasi madilim ay alam kong hindi ko kwarto ang aking kinaroroonan. And then I suddenly recalled where I was last night. Mabilis na gumulong sa aking alaala ang mga nangyari. I attended a charity event with Jeff. Nakadama ako ng boredom nang magsimula ang auction at dahil doon ay nakarami talaga ako ng inom. I remembered everything. Hindi por que may tama ako ay hindi ko alam ang aking mga ginawa. Though there was nothing scandalous that I did pero, naalala kong halos kaladkarin ako ni Jeff paalis ng venue. Nakatulog yata ako habang sakay na ng kaniyang kotse.