Chapter 13

1516 Words
IKINURAP-KURAP pa ni Sianna ang kaniyang mga mata para lamang masiguro niyang hindi siya nagkakamali sa kaniyang binabasa ng mga sandaling iyon. Nakasaad sa naturang kasulatan o kontrata na pumapayag siya sa isang kasunduan. Kasunduan na maninirahan siya sa naturang mansiyon hanggang sa araw na lumabas ang resulta kung siya ba ay nagdadalang tao sa anak mismo ni Eliezer Falcon. Ang lalaking kaharap niya. At kaapelyido pa talaga ni Wil. Bagay na hindi na niya ginawa pang big deal dahil marami namang magkakatulad ng apelyido sa mundo. At kung sakali man na magbunga ang isang gabing pagsisiping nila, kailangan niyang ituloy ang pagbubuntis niya hanggang sa maipanganak niya ang sanggol sa kaniyang sinapupunan. Napalunok si Sianna. Ni hindi pumasok sa isipan niya na posible siyang mabuntis sa namagitan sa kanila ni Eliezer. Siguro, dahil na rin sa mga problemang sunod-sunod na dumating sa kaniyang buhay kaya nawalan ng puwang ang bagay na iyon sa kaniya. Dahil ayaw niyang seryosohin ang nakasaad sa kontrata na hawak niya, kaya idinaan niya iyon sa pagtawa. "Joker ka rin," natatawa pa rin niyang wika bago inilapag sa harapan ni Eliezer ang pirmadong papel. May witness pa sila at mismong si Carlos ang nakapirma roon. Notaryado rin iyon. At maging ang attorney ni Eliezer ay may pirma rin doon. Pero gusto niyang isipin na joke lang iyon. Halos malula pa nga siya sa nangyayari sa kaniya ngayong araw, tapos dadagdag pa ang kontratang iyon sa kaniyang isipin. Hindi ba puwedeng ma-enjoy muna niya ang pagiging milyonarya niya? "Mukha ba akong nagbibiro?" ani Eliezer na tinanguan pa si Carlos nang balingan iyon. Wala namang salita na naglakad na si Carlos palabas sa Study Room. Naiwan silang muli ni Eliezer sa loob ng silid na iyon. At sa pagkakataon na iyon, hindi na niya napigilan pa na ipakita rito na hindi siya natutuwa sa kasunduan na napirmahan din niya. "You're crazy. Naisip mo pa talaga na mabubuntis mo ako? Isang beses lang 'yon," mariin pa niyang wika. "At hindi ka man lang ba nahihiya sa asawa mo? Gusto mo pa akong itira dito?" "Wala akong asawa." "Maniwala sa iyo." "Kung igigiit mo na anak ko ang kasama kong bata sa kotse ko, sinabi ko na sa iyo kanina na hindi ko 'yon anak. Anak 'yon ni Carlos." Iyong tingin niya rito, para bang hindi pa rin siya naniniwala sa sinabi nitong iyon. "Kung duda ka, puwede ko namang ipatawag si Carlos. Siya ang tanungin mo kung tamang duda ka pa rin." "Boss ka niya, magsasabi ba 'yon ng totoo?" "Bakit hindi? Hindi ko naman puwedeng angkinin ang sarili niyang anak." "Tinawag ka niyang Daddy," mariin niyang wika. "It's Daddy Ninong. Inaanak ko ang panganay na anak ni Carlos na si Migi." Maniniwala ba siya? "Now," ani Eliezer na muling iniisod palapit sa kaniya ang kontrata. "Sa iyo na ang copy na 'yan. Mayroon akong sariling copy, at mayroon din ang attorney ko." "Hindi ako pumapayag," giit niya. "Pirmado mo na ang kontrata." "Dahil buong akala ko, Deed of Sale pa rin 'yong pinipirmahan ko." "Hindi ko na kasalanan kung nagmamadali kang pumirma. Sukdulang hindi na binasa pa ang mga nakasulat sa papel." "Uulitin ko, hindi ako para mabuntis mo. At saka, baog ako. Kaya nga hindi ako mabuntis-buntis ng ex ko," paggagawa pa niya ng kuwento na sana naman ay kagatin nito. Tumayo si Eliezer at naglakad palapit sa kaniya. Lihim na napalunok si Sianna nang umangat ang tingin niya rito. Masyado itong matangkad para sa kaniya. "Kung gagawa ka ng sarili mong kuwento, try harder. 'Yong kapani-paniwala," wika pa ni Eliezer. "T-totoo naman 'yong sinabi ko." "Alin? 'Yong baog ka kaya hindi ka mabuntis-buntis ng ex mo? Pinatatawa mo ba ako?" Hindi ba ito naniniwala sa kaniyang sinabi? "Hindi ka talaga mabubuntis ng ex mo dahil wala namang nangyayari sa inyo. I'm your first in bed, Sianna. At kung magbunga ang isang gabing 'yon, itutuloy mo ang pagbubuntis mo. You'll get another one hundred million pesos. Oras na maipanganak mo ang anak ko." Natitigilan si Sianna sa mga sinasabing iyon ni Eliezer. Hindi pa rin mag-sink-in sa kaniya na puwede siyang mabuntis ng isang beses lang na p********k. Never mind sa malaking halaga dahil ayaw na niyang matuwa sa malaking numerong iyon. "P-paano kung hindi ako mabuntis?" lakas loob niyang tanong dito. "Malaya kang umalis sa bahay ko. Pero kung buntis ka, mananatili ka rito." Seryoso talaga ito? Napalunok na naman siya. "Ganito ka rin ba sa ibang babae mo? O-offer-an mo rin ng katulad sa akin?" "Hindi. Naging maingat ako noon. Dahil ayaw kong magkaroon kaagad ng anak. Pero ngayon, wala ng problema sa aking kung magkaroon man ako ng anak. Kung sakali man na magdalang tao ka, sa akin ang bata." "Gusto mo rin naman pala ng bata, bakit hindi ka na lang mag-asawa kung totoong wala kang asawa't anak? Para naman mas marami ka pang anak na magawa. Iisipin ko na lang na wala akong pinirmahan na kontrata mula sa iyo. Kailangan ko ng umalis." Akmang tatalikuran niya si Eliezer nang mabilis naman siya nitong pigilan sa kaniyang isang braso. "Wala ka na namang ibang pupuntahan dahil wala na 'yong condo unit mo sa iyo." "May pamilya ako na puwede kong puntahan," she hissed. Gumuhit ang isang ngiti sa sulok ng labi ni Eliezer. "Pamilya?" uyam pa nito sa kaniyang sinabi. "Define family, Sianna Melendrez." Ngunit hindi niya magawang magsalita. "Hindi mo kailangang gumawa ng kuwento kapag kaharap mo ako. Alam ko na kung ano ang background mo. Lalo na pagdating sa pamilya mo. Namumuhay ka lang mag-isa ngayon." Tumiim ang mga labi ni Sianna. "Akala ko ba, hindi mo ako ini-stalk? Bakit ngayon, sasabihin mo, marami kang alam tungkol sa akin?" "Hindi ako ang personal na kumuha ng inpormasyo mo. May inutusan ako, oo, pero asahan mo na makukuha ko 'yong mga bagay na gusto kong malaman sa isang pitik lang ng daliri ko. Gusto mo ng sample? You're getting married, sana. But it turns out, stepsister mo ang pakakasalan ngayon ng ex-fiancé mo." Pambihira. Ang dami nga nitong alam sa buhay niya. Binawi na niya ang braso niyang hawak nito. "Gusto mo rin ba na palakpakan kita dahil marami kang nalalaman tungkol sa akin? Ano'ng tingin mo? Iiyak ako dahil lang sa katotohanan na 'yan? No way. Dahil mas iniisip ko ngayon na kaya nangyari 'yon sa akin ay dahil inilayo lang ako ng Diyos sa maling tao." Tumango-tango si Eliezer. "At ngayon, dinala ka Niya sa akin. Tamang tao siguro ako para sa iyo." Umasim ang hitsura ni Sianna dahil sa sinabi nitong iyon. Ayaw niyang umasa o maniwala na baka nga ito ang tamang tao para sa kaniya. Walang ganoon! "Puwede ba, 'wag ka ng dumagdag pa sa isipin ko? Ako na ang nagsasabi sa iyo na hindi ako mabubuntis. Kung gusto mo ng anak, maraming babae riyan na magkukumahog para sa gusto mo. Pero hindi ako 'yon." "One week from now, mag-a-under go ka ng pregnancy test. Like it or not. May silid na rin ako na ipinahanda para sa iyo. 'Yon ang gagamitin mo habang narito ka sa bahay." Natulala na naman si Sianna sa lalaking kaharap. Hindi talaga ito nagbibiro? Paano kung buntis nga siya? "Ibig mong sabihin, hindi mo man lang ako hahayaang ma-enjoy ang kinita ko sa condo unit ko? Mister, baka naman puwedeng mag-unwind muna ako? Pumunta sa lugar na malayo sa mga taong kinaiinisan ko?" "Then what? Pagtataguan mo ako kasama ang anak ko?" "Grabe ka, napaka-advance mong mag-isip. Ako na ang nagsasabi sa iyo, walang anak mo ang mabubuo sa tiyan ko." "Kapag mayroon?" "Kapag wala?" "May tatalo pa ba sa sinasabi ng instinct ko? Wala akong ginamit na proteksiyon nang may mamagitan sa atin. Kaya nakakasigurado ako na maaari kang mabuntis." "Masyado akong stress nitong mga nakaraan para may mabuo pa sa matres ko," giit pa niya. "'Wag ka ng makulit. Ipapakuha ko sa tauhan ko ang mga personal mong gamit sa condo para dalhin dito sa bahay." Halos matulala na lamang si Sianna. Sa isang iglap, hindi rin pala siya makakaalis sa lugar na iyon? Masyado yata siyang nagsaya na makakapunta pa siya sa probinsiya. At si Eliezer, mukhang planado ang lahat ng ito. Napakagaling din naman ng lalaking ito. Ayaw talaga siyang makakawala basta-basta. Kinuha naman ni Eliezer ang sarili nitong kopya ng deed of sale ng kaniyang condo unit at ang kontrata na hindi naman talaga niya gusto. Dinala nito iyon sa isang vault at doon ay itinabi. Siguro, upang hindi niya makuha ang sarili nitong kopya. "Sabihin mong joke lang ang lahat ng 'to," pakiusap pa niya kay Eliezer nang maglakad ito pabalik sa kaniyang kinaroroonan. Bahagya pa siyang niyuko ni Eliezer habang ang isang kamay ay nakahawak sa may kantuhan ng table nito. "Totoo ang lahat ng 'to. At mananatili ka rito sa bahay ko sa ayaw at sa gusto mo," seryoso pang wika ni Eliezer na sandali pa siyang pinagmasdan bago ito tumayo ng tuwid. Masyado yata siyang natuwa sa malaking halaga. Ngunit ang tuwang iyon ay may kapalit din pala. Para bang bigla siyang nasa isang roller coaster ride.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD