Hindi makapaniwalang nagpalipat-lipat ang tingin ni Miguel sa kanyang asawa at sa batang kalalabas lamang sa silid. Pakiramdam niya ay tila ba nanlalaki ang kanyang ulo habang nakatingin sa bata, para bang nakatingin siya sa batang version niya ng mga sandaling iyon. Natigilan siya at hindi na niya nagawa pang kumilos, basta nakamasid na lamang siya sa batang ngayon ay nakatitig sa kanya. Para bang naiiyak ang bata habang nakatingin sa kanya. Kung hindi siya nagkakamali dalawang beses siya nitong tinawag na papa, ibig sabihin ba niyon ay may anak sila ni Mayumi. Habang nakatingin siya sa bata ay tila ba naninikip ang kanyang dibdib at ang kanyang luha ay hindi niya maampat. Kung hindi siya nagkakamali apat na taon hanggang limang taon na ang bata. Ibig sabihin buntis pala ang ka

