HINDI magawang kumilos ni Savannah, kaya nananatiling nakatayo lang siya. “Maglakad ka ng maayos at huwag kang magkakamali na makakuha ng atensyon. Sigurado tagos sa puso mo ang bala ko!” ani ng boses babae. “Bakit ko gagawin yon, ‘di namatay ako? Hindi pa ito ang oras ko aabot pa ako ng hundred years.” bago nagpatuloy sa paglalakad. Pero unti-unting bumilis ang hakbang niya. Saktong nakalabas sila ng mall sinadya niyang matalisod. At pareho silang na out of balance. Kaya sinamantala ni Savannah, ang pagkakataon. Malakas siyang sumigaw. “Holdaper!” sabay sigaw niya bago sinipa ito. At sabay pa silang natumba sa semento. Siyang pasok sa eksena ni Lady Frozen, malakas na sinipa ang babae. Pero agad din itong nakatayo. “Try natin kung gaano ka kagaling.” Nakangiti pa ang kaibigan si M