ISANG mensahe ang natanggap ni Savannah, “ngayon magpakasaya kayong dalawa. Bukas o makalawa kapalit ay luha.” Kinilabutan siya at nakaramdam ng kakaibang takot. Tumayo mula sa upuan at hinanap si Levi, natagpuan niya ito kaharap ang mga pinsan. Ayaw sana niyang ipaalam dito pero ang dibdib niya ay kumakabog. “Sir Levi, ahm… may gusto sana akong sabihin sayo.” halos bulong lang yon sa tainga nito. Agad din naman tumayo at nagpaalam sa mga pinsan nito. “Baby, may problema ba?” “Here, read this, hindi ko sana nais istorbohin ang kasiyahan mo.” hindi sumagot di Levi, binasa niya ang mensahe. At kumuyom ang kamao niya talagang panira ng mood ang mga walangya. “Huwag mo yan pansinin mas matutuwa ang mga yon kapag nakita nilang apektado tayo.” halika doon tayo sa mga pinsan ko. Sigurado mga