Ep. 77

1812 Words

NAGTATAKA si Savannah, kung saan sila pupunta. Kapag ang buong tropa ang kasama sigurado gabi na siya makakauwi ng mansyon. Isa pa kanina pa niya napapansin ang mga kasama. Tahimik ang mga ito at umiiwas makipag-usap sa kanya. Kaya hindi siya mapalagay, nais na niyang magtanong. Ngunit kagaya ng kanina pa niya napapansin. Parang ayaw siyang kausapin ng mga ito. Ano kaya ang nagawa niyang mali upang biglang ganito ang trato ng mga ito sa kanya? “Ahm… kanina pa tayo bumibiyahe, saan ba talaga tayo pupunta?” hindi na nakatiis si Savannah, kaya nag tanong sa mga kaibigan. “Mamaya malalaman mo rin.” napipilitan sagot ni Lady Beast. “Hindi naman yata importante isinama nyo pa ako.” Mission ang pupuntahan natin kaya dapat kasama ka.” “Bakit walang instructions mula kay Team Leader?” Aniya

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD