SINIKAP ni Savannah, makapag isip ng tama bago pa ipagkanulo siya ng kanyang katawan. Kumawala siya sa mahigpit na pagkakahawak ng binata. Pagkatapos ay nagmamadaling bumaba ng sasakyan. Tumakbo ba siya papasok sa loob. Nasalubong pa niya si Mr. Troy, ang pinsan ni Levi. “Nasaan siya?” ang tinutukoy nito ay si Levi. “Nasa labas, sige maiwan na kita.” “Okay, salamat.” ramdam ni Savannah, na kasunod ang mata ni Mr. Troy, sa kanya. At bago pa siya makalayo naulinigan pa niya ang boses ni Levi. “Pinsan, doon tayo sa library ni Daddy, sino pala ang kasama mo?” “Si Jason, naroon sa dining room at kumakain.” “Okay, halika na ano pa lang oras nakatakas si God of Death?” “Kagabi, midnight sa pagitan ng eleven up to twelve thirty. Meron dalawang preso ang namatay.” “Anong dahilan at nandama