NAKAMASID si Savannah, sa ina at mga anak. Masasabi na unang beses nangyari sa kanyang buhay ang ganito eksena napakasaya. Walang ibang naririnig sa paligid kundi tawanan. Ang senyora at senyor ay ganun din. Lahat yata ng mga naroon ay mga nakangiti. “Happy?” lumingon si Savannah, nasa tabi niya ang binata. “Yeah...” bago napa kunot noo, napansin niya may tinatago sa likuran si Levi. “Anong yan bakit tinatago mo?” “Ahm… for you.” nanlalaki ang mga mata ni Savannah. Tatlo talagang red roses? Pero teka nanliligaw na ba ang lalaking ito? Ganun pa man hindi siya nag pahalata. “Bakit mo pala ako binibigyan ng mga bulaklak?” “Ahm… nagustuhan mo ba?” hindi muna sumagot si Savannah. Inamoy amoy lang ang bulaklak. “Baby?” “Thank you, para saan pala ito?” nangingiti habang nakatingin kay L