A FEW MONTHS LATER; Ilang beses muntik ng mahuli ng mga pulis si God of Death, pero laging nakalabas pa rin ng bansa. Obvious may protektor ang babaeng yon. “Baby, kailangan ko ng bumalik sa trabaho ko.” nalulungkot na pahayag niya sa dalaga. “Anong ibig mong sabihin?” Kinabahan agad si Savannah, sa maaari pang sabihin ni Levi. “Babalik na ako ng Mansyon Maximano. Kung willing kang sumama sa akin ay aalis tayo mamayang gabi.” “Alam na ba ni Tita Aaliyah at Tito Niko, ang pagbabalik mo sa trabaho?” “Hindi ko pa nasabi, ikaw muna ang inuna ko. Upang sabay tayong magpaalam kung sasama ka.” Nakapikit na sagot ni Levi, nakaupo ito sa sofa. Lumapit siya dito at tumabi sa upuan. Humilig din sa balikat ni Levi, pumasok sa isipan ang mga sinabi ni Manang Lourdes. “Sasama ako sayo.” Anik