HINDI sukat akalain ni Savannah, ang pagsama niya kay Levi, sa mansion Maximano ay magiging isyu. Ilan sa mga nasa pwesto ay kinukwestyon siya. Hindi daw miyembro ng Mafia upang manatili sa loob ng organisasyon ng mga ito. May ilan din nakakakilala sa kanya na isa raw siyang assassin. At sa isang linggo pa lang niyang pananatili doon. Hindi lang isa o dalawang beses na may pagtatangka sa kanya. Hindi niya sinabi kay Levi, ang tungkol sa tatlong beses na pag-atake ng mga miyembro nito. “Leave! Kung nais mo pang mabuhay.” narinig niya ang boses ng isang babae. Mabalasik ang boses nito at kung tumingin ay parang anumang oras ay nais siyang katayin nito. “Hanggang hindi si JLM--- The Mafia Boss, ang nagpapaalis sa akin dito ay mananatili ako sa mansyon na ito.” “Ah, ganun?” agad siyang in