GALIT si Levi, nang makita siyang kararating lamang. Nais niyang umiwas baka makahalata ito na mula siya sa mission. Ayaw din niyang salubungin ang galit nito. Kaya nilampasan ang nakatayong lalaki. Kahit halos iharang na ang katawan sa kanyang dadaaan. “Saan ka galing at kanina pa nakasarado ang cellphone mo? Sino ang kasama mo bakit ayaw mong paistorbo?” “Na empty battery lang ako at hindi ko yon napansin dahil naroon ang cellphone ko sa loob ng aking bag.” Simpleng paliwanag niya. “Liar! Hindi ganun ang nakikita ko sayo. Magsabi ka ng totoo bakit halos walong oras kang wala at hindi makontak?” “Galing ako sa kaibigan ko dahil kaarawan niya. Every year ako lang ang kasama niya. At nakasanayan ko na rin na nagbabad sa bahay niya.” Sa halip na sumagot ni Levi, tinitigan niya sa mata s