BAWAT tamaan ng bala ni Lord Hedios ay tumitimbuwang at dilat ang mga mata. Galit na galit ito dahil sa nangyari kay Griffin, ang kanang kamay niya. Pinuntahan ang manager ng bar upang makakuha sila ng kopya sa CCTV. Ngunit deleted na ang files ng gabing yon. At pati ang mga staff ng bar ay damay. Lalong uminit ang ulo ng malaman na pumalpak ang inutusan niya upang makuha ang original na painting. Ayon pa sa report ng isang tauhan, hindi dumating si Lady Frozen. Kaya nawalan ng pagkakataon na makuha ang orihinal ng painting. Pagkatapos ngayon may nakakita daw dito sa loob ng bar. At nagtutugma ang nangyaring gulo sa bar. May nakakita sa babaeng yon na naroon sa bar ng gabing yon. “Bibigyan ko kayo ng isang araw, bukas ng gabi dalhin nyo sa akin si Lady Frozen!” “Masusunod, Lord Hedios.