KASALUKUYAN silang pauwi ng mansyon nang biglang may nag-cut sa sasakyan nila. Hindi agad sila kumilos at hinayaan bumaba ng sasakyan ang mga ito. Paglingon ni Levi, sa gilid meron isang sasakyan at sa likuran ay isa din. Nakakulong sila kaya walang lalabasan. “Master Jed, tauhan ng gagong yon ang mga yan at hindi dapat nilang makita si Ms. Savannah.” “I know, at wala tayong pagpipilian kundi bumaba ng sasakyan, mag-ingat ka, go! Susunod agad ako.” pagkatapos ay binalingan niya si Savannah. “Baby, stay here at kahit anong pa ang makita mo ay wag kang lalabas.” Tumango na lang si Savannah, hindi siya maaaring mag-react mabubuking siya ng binata. Bago bumaba si Levi, ginawaran pa siya nito ng mabilisang halik. Pagkatapos ay mabilis na nakalabas ng sasakyan. Ngunit parang binabayo ang dibd