SA isang sulok naghihintay ng pagkakataon si Lady Monster. Kanina ng nakatanggap siya ng text messages mula kay Lady Red. Sinasabi nito na nasa torture room si Mr. Ruins, ang kanang kamay ni JLM--- The Mafia Boss. Ayaw maniwala ng sistema niya na basta mahuhuli na lang ng ganun ang binata. Hindi ordinaryong fighter ang lalaking yon. Isa itong professional, at talagang napakagaling. Kaya paanong napunta sa kamay ni Israel? Pero ngayon nasa harapan ng kanyang mga mata. At tanging ungol ang kayang gawin habang binabarina ang isang hita. Sumiklab sa galit si Lady Monster. Anong klaseng mga tao ang nakapaligid kay Mr. Ruins? “Ayaw makiayon ng lalaking ito kaya patayin niyo na. Total, tinalikuran na rin siya ni JLM--- The Mafia Boss. Wala na rin yan silbi, pero siguraduhin nyo makakarating an