NATAPOS ang almusal at sila na lang ang naiwan. Ang mga bata at mga magulang ni Levi, pumasok na sa loob. Binaba ni Levi, sa ibabaw ng table ang tablet. “Spider Syndicate members list.” malaking sindikato sila. Nasa bansang Tsina ang pugad nila. Pero tatlong taon pa lamang sila dito sa bansa nang simulan ang mga illegal na gawain. “Bakit parang mga kabataan ang target nila?” tanong ni Savannah. “Yeah, at mga panahon na yon, mahigit tatlong daan na ang nawawalang mga teenager. Iyong limang kabataan na nakitang patay at nang buksan ang katawan ay droga ang laman. Kagagawan ng Spider Syndicate, ang lahat ng yon.” “So, marami na pala ang miyembro ng sindikato na yon dito sa ating bansa?” Oo, laganap na ang kalakaran dahil narin sa mga opisyales na nariyan sa listahan. Sila ang mga prote