MISSION: Spider Syndicate. Madilim na ang paligid at kanina pa naghihintay si Lady Red at Lady Frozen, sa mismong loob ng bowling center. Ayon sa info, naroroon ang tatlong lalaki. Hindi para maglaro pero meron mga teenager na planong kikidnapin. Dahil sa tagal ng paghihintay naisipan nilang maglaro na lang muna. Tumabi silang dalawa sa bowling table ng tatlong lalaki. Nagsimulang naglaro, walang idea si Lady Red, kung nagpapa empress si Lady Frozen, sa katabing table. Lahat ng tira ay strike at walang sablay. Maya maya ay hindi nakatiis ang isa sa tatlong lalaki at lumapit sa kanilang dalawa. “Are you a player?” Tanong ng lalaki. Hindi sigurado si Lady Red, kung ano ang ibig sabihin nito sa tanong na yon. “Player for what?” Tanong ni Lady Frozen, bago muling tumira. And another strik