NAKATANGGAP ng tawag si Levi, mula sa mga pinsang taga SA Agencia. Ang sabi ay nasa pangangalaga nila si God of Death. Kaya napaisip siya kung sino ang nakahuli sa babaeng yon. Kahapon umalis si Savannah, hindi kaya ang grupo nito ang humuli kay God of Death? Hindi basta madadakip ang babaeng yon. Tanging magagaling na fighter lang ang may kakayahan. Pinuntahan niya sa basement parking si Savannah. Malayo pa lang siya ay nakikita niya itong pinupunasan ang bagong big bike. Kailan pa ito bumili at bakit hindi niya alam?” “Sino ang bumili nito, ngayon ko lang nakita ito?” “Regalo sa akin ng kaibigan ko. At ilang araw pa lang naririto ito.” “Nevermind, alam mo ba ang nangyari kay God of Death? Gaun din kay Madam Lou?” “Yeah, kasamahan ko ang bumaril kay Madam Lou. Kami din ang humuli ka