KUNG noon ay hinayaan niya si Levi, sa mga ginagawa nito sa kanya. Ngayon mabilis siyang kumawala dito. Ayaw na niyang umiyak at magpatalo sa emosyon. Dahil siya din ang nahihirapan. Nakakapagod umiyak dahil lang nasaktan na naman siya ng lalaking ito. Mabubuhay naman siya ng wala ito sa tabi niya. Oo at mahal niya si Levi, pero hindi tama na hayaan niyang patuloy nitong saktan. Noon pa man alam na niyang babaero ang lalaking ito. Kaya wala ng bago doon ang dapat lang niyang gawin ay kontrolin ang sarili. Humarap diya kay Levi, ito na ang pagkakataon na masabi niya dito ang nais iparating. “Noong pumasok ako sa training ang pinakaunang dahilan ko. Upang hindi na ako muling saktan ng mga tao sa paligid ko. Hindi na magawang apihin ng mga taong mapang alipusta at mapang maliit ng kapwa. Ti