HINDI mapalagay si Savannah, hanggang hindi dumating si Lady Beast. Tila naiinip na rin ang dalawang kasama niya na si Lady Monster at Lady Frozen. Kapag nagtagal pa ay hindi na nito aabutan si Mr. Luke Montemayor. Sa maraming taon na nakalipas ay patuloy si Lady Beast sa paghahanap sa kakambal ni Levi. At ngayon abot kamay na nito parang nananadya ang pagkakataon. Muling tinawagan ni Savannah, at sana lang ay sagutin nito ang tawag niya. “Naririto na ako bakit ka pa tumatawag?” lumingon siya dito at mabilis na hinila ito. tinungo nila ang medyo kubli na lugar. “Anong kailangan nyo sa akin at kung makatawag kayo ay parang napaka importante?” “Umakyat ka sa conference room. Nariyan ang lalaking matagal mo ng hinahanap.” ani Lady Monster. “Huwag ninyo akong i-good time, kaya sabihin