HINDI pumayag si Levi, basta sila uuwi ng mansyon. Mag-usap daw muna sila at pinagbigyan ni Savannah. Sa condominium ni Lady Frozen, doon sila dumeretso ni Levi. Pero nang makarating sila sa parking. Dalawa lang silang pumasok sa loob ng building. Kumaway pa sa kanya ang kaibigan. Hindi lang yon may pahabol pang salita “enjoy the night” bago tuluyan silang iniwan. “Ano ba ang sasabihin mo, Sir Levi? Bakit kailangan pa na dito sa bahay ni Lady Frozen?” “Buksan mo muna ang pinto at doon ko sisimulan sabihin sayo.” Hindi muna niya pinindot ang lock code. Humarap siya kay Levi, meron kakaiba sa lalaking iyo. “Magsabi ka nga ng totoo, may problema ka ba?” “Meron, kaya buksan mo na ang pinto.” “Okay, sige.” bago pinindot ang code at maya maya ay bumukas na ang pinto. Ngunit nang makapaso