HINDI nagpatinag si Aliya sa kabila ng mala-yelo sa lamig ng pakikitungo sa kaniya ni Alejandro. Pinakita niya sa binata na hindi siya apektado ng pag-ignora nito sa kaniya. Pagsapit ng tanghali ay nagtungo sila ni Alejandro sa bahay nila Vladimir dahil doon mag-lunch. Isinama ni Aliya si Kuro dahil inaaway pa rin ni Kuzan. Pinakain naman na niya ito kaya tahimik lang na naglalaro sa lobby. Binigyan ito ni Vladimir ng maliit na bola. Maraming gustong itanong si Aliya kay Vladimir tungkol sa trabaho niya, kaso malimit itong magsalita. Kain lang ito nang kain. Si Annie rin ay tahimik. “Habang hindi pa po ako magsisimula sa trabaho, puwede n’yo akong utusan maglinis ng bahay, kahit anong trabaho,” sabi niya. “Okay,” sabi lang ni Annie. Naroon sila sa dining room ng bahay at pansin niya