Point of view - Mikaela Sandoval - Bakit sa tuwing tayo ay nakararamdam ng saya, sa isang iglap, luha ang kapalit? Bakit kung kailan kasama mo na ang taong pinakamamahal mo, doon pa muling bumabalik ang pagsubok sa iyong buhay? Minsan ko lang maranasan ang lumigaya kasama ang taong pinakamamahal ko, pero tila ang kaligayahang pinahiram sa akin ng mundo ay muling mawawala. Sa tuwing nasasaktan ang mga mahal natin sa buhay, minsan hinihiling natin na sana tayo na lang, na sana ay ako na lang ang nasa kanyang kalagayan, na sana ay ako na lang ang naghihirap at hindi siya, dahil para sa atin, napakasakit makita ang taong mahal mo na nahihirapan mismo sa iyong harapan. Masakit makita na kahit patuloy siyang lumalaban, ramdam mo ang sakit na kanyang nararanasan. *** Mariin kong pinahiran a

