Nakatitig sa akin si Rux habang kinakausap niya akong tungkol sa pagtratrabaho ko sa kompanya ng daddy nito. "Ate Rayi, hindi ka po ba napapagod?" kumunot ang noo ni Rux. "Kung para sa pamilya ko, hindi ako p'wedeng mapagod, Rux. Marami kasi akong kapatid na sinusuportahan at mahirap lang kami." "Naiintindihan ko po, Ate Rayi." Hinaplos ni Rux ang kanang pisngi ko. "Don't worry po, magiging maayos din ang buhay po ninyo. Si Mommy po noon, mahirap po siya at naging mayaman din siya katulad ni Daddy, kailangan po siguro ninyong magkaroon ng husband na lawyer." Natawa ako sa sinabi ni Rux. "Lawyer?" "Yes, po. Mayaman ang mga lawyers... Daddy Daniel is one of them." Bumungisingis ito at kumindat pa sa akin. "Rux, paano kung... paano kung sa boss ako magkagusto?" mahinahahon kong tanong d