Nagtungo kami ni Ram sa harapan ng mansion kung saan nakatanggap ito ng isang text mula sa katiwala nina Donya Margaret. Paalis daw doon sina Jewel at Donya Margaret. Tama nga ang sinabi ng katiwala nina Ram. Nakita namin ang paalis na kotse ng mga ito. "Mahahalata ba tayo kapag susunod tayong dalawa?" mahinang tanong ko dito. "Bagong bili ang kotse ko at sa tingin ko hindi nila iyon mahahalata. Magiging maingat na lamang ako sa pagmamaneho. Sandali lang at tatawagan ko si Dan---" Umiling ako kay Ram at saka kinuha ang aking cellphone. Ipinakita ko ang numero ng kapulisan sa aming lugar. "Hindi natin kailangan ng tulong ni Daniel. Kaya natin itong dalawa, abogado ko lamang siya at sa ating tatlo nina Dante nagsimula ang lahat ng ito. Kung nakakatiyak ka na si Dante ang pupuntahan nila,