Tinakpan ni Ram ang aking bibig dahil nakita ko si Dante na palapit sa aming kinaroroonan. Mayamaya ay narinig ko ang ingay ng sasakyan ng mga pulis na parating na tinawagan nito kanina. Lumabas kami sa pinagtataguan namin ni Ram sa pag-aakalang wala na roon si Dante. Ngunit nakita kami nito. Ikinasa nito ang hawak na baril at kaagad niya akong tinutukan ng baril. Tila hindi alintana ni Dante ang mga pulis na parating. "Dante! Kailangan mong pagbayaran ang lahat ng mga ginawa mo sa amin!" sigaw ni Ram sa kapatid nito at hinarangan ang baril na para sa akin 'tsaka ito sinuntok ng malakas sa pisngi. "Ram!" sigaw naman ni Jewel na kaagad na lumapit sa amin kasama nito si Donya Margaret na hindi malaman ang gagawin. "Hindi na ako babalik pang muli sa impyernong kulungan na iyon, Ram." Naki