Sa presinto ako dumiretso imbes na sa hospital. Kailangan kong ibigay ang statement ko sa mga pulis tungkol sa nangyari. Kasabay ng pagsugod sa hospital ni Jewel kay Ram ay ang pagsugod naman sa hospital ni Donya Margaret sa walang buhay na nitong anak. Nakatulala ako sa isang tabi at tahimik na umiiyak. Hindi ko alam kung ilang beses akong kinuhanan ng statement dahil magulo ang isip ko at nabigla ako sa mga nangyari. May bahid ng dugo ni Ram ang aking kamay at ang suot kong damit. Namatay si Jana na may bahid ng dugo sa aking kamay at ngayon naman si Ram. Hindi ko alam kung susunod ako sa hospital o mananatili na lamang ako rito sa isang tabi. Hindi pa rin nawawala ang panginginig ng aking buong katawan sa takot. Narinig ko ang boses ni Amanda palapit ito sa aking kinaroroonan. Umiiya