"Pipirma ka ba o tuluyang sasabog ang utak ng babaeng mahal mo, attorney!" galit na sigaw ni Jewel kay Amanda. Mabilis na pumirma si Amanda gamit ang initial ni Daniel. Hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa. Sumenyas na rin ito nang magtaad ng kamay at paalalahanan si Daniel na hindi na nito kaya. Nanginginig ang kamay ni Amanda sa ginawa ni Jewel kay Celso. Umiiyak naman ang aking anak sa tabi na pinapatahan ni Ram. "Jewel, pakawalan mo na sila. Ako ang may kasalanan sa iyo kaya ako ang parusahan mo. Kung gusto mo pumunta ulit tayo ng America, magiging mag-asawa tayong dalawa at hindi ko na piirmahan ang annulment," pakiusap ni Ram dito. "Totoo?" nagbago ang itsura ni Jewel. Sumaya ang mukha nito sa narinig na sinabi ni Ram. Nagtungo ito sa tapat ni Ram at niyakap ito. "Totoo ba ang sina