Point of view - Emma Blair - Maraming araw ang lumipas, patuloy lang ang buhay sa pagitan naming mag-asawa. Mas nararamdaman ko ang pagmamahal ngayon ni Lance kaysa noon. Ngunit isang bagay pa rin ang hindi namin makamit, yun ay ang biyayaan kami ng isang supling. Muli akong bumalik sa doktor upang kunin ang resulta ng test namin ni Lance. At tulad ng dati, wala pa ring pinagbago ang resulta nito. Ang sabi ng doktor, swerte pa daw kung magkakaanak ako. Isa ba talagang swerte ang nangyari sa akin? Oo, may anak ako, ngunit kahit dulo ng kanyang daliri ay hindi ko nahahagkan. *** Matapos akong pumunta sa ospital, nagtungo ako sa gusali kung saan nagtatrabaho ang aking asawa sa Lee Global Corporation. Nais ko siyang sorpresahin dahil ipinagluto ko siya ng pananghalian.