Kinabukasan paggising ko ay tawag kaagad ni Mommy ang bumungad sa akin sa cellphone. Mabilis ko itong sinagot dahil ang akala ko ay emergency ang tawag niya. Masyado pa kasing maaga kaya kaagad akong kinabahan. Hindi niya kasi ugaling tumawag ng ganitong oras kaya labis ang pagtataka ko ng rehistro sa screen ng cellphone ko ang pangalan ng aking ina. "Hello, Mommy natapawag po kayo?" kinakabahan kong sagot kong matapos pindutin ang button para "Pasensiya ka na, Hija," nakokonsinsiya nitong hingi sa akin ng paumanhin. Pero mas nagingibabaw pa rin nito ang kagustuhang sahinhin ang sadya niya sa akin. "Anak, lam ko masyado pang maaga para sa tawag ko pero itatanong ko lang sana sa 'yo, kung kailan niyo ba balak na dalawin kami rito ng Daddy mo? Miss na miss na namin ang apo namin!"