Matapos ang two weeks na preparation para sa kasal namin ni Kokoy ay parang hindi na ako makapaghintay pang dumating ang araw na ikakasal na ako sa taong mahal na mahal ko. Walang iba kundi si Kokoy! Gusto ko nang bumilis ang pag-ikot ng araw at sana sa paggising ko kinabukasan ay ikakasal na ako sa simbahan. Kinikilig na akong dalhin ang apelido ni Kokoy at ng anak naming si Kobie. Iyong ang una kong aasikasuhin kapag nakasal na kami at para dala-dala na ng mga magiging anak pa namin ni Kokoy. Nasasabik na ako at hindi na makapaghintay pa na magsimula kami ni Kokoy sa panibagong yugto ng aming pagsasama. Ngayon pa lang ay parang maiiyak na ako sa tuwing nai-imagine ko ang sarili ko habang nakasuot ng magandang wedding gown at kumikinang sa sobrang ganda. Naglalakad sa mahaba