Matapos kong masiguro na ligtas si Lunnox ay umalis na rin ako para makipagkita kay Alex. Nandito kami sa private bar ng Falcon at kasama ang mga naggagandahan at seksing mga babae. Halos wala na silang saplot sa katawan habang nagsasayaw ng daring dance sa may pole. Nakaupo kami ni Alex sa couch at umiinom ng alak habang pinapanuod ang tatlo. Wala na akong pang-itaas na damit ganoon din si Alex. Marami naman akong naging ka-flirt noon pero hindi ko pa rin sineseryoso ang mga babae. Maliban na lang kung si Lunnox na nga ang magpatino sa playboy na katulad ko. "Natutuwa talaga ako dahil nagagawa mong traydurin ang itinuring mong matalik na kaibigan, Brandon? Iniisip mo na ba ang p'wedeng mangyari sa iyo sa oras na malaman niya ang totoo na ikaw ang dahilan ng pagbagsak niya?" "May nakaka