INAANTABAYANAN ni Camia ang magiging tugon ni Remus sa mga nauna niyang sinabi. Nanatili itong tahimik at nakatitig lang sa kanya. “Kung may intensiyon kang tumulong sa kaso ni Cole, wala kang palalagpasin sa mga tanong ko. Magsabi ka lang ng totoo,” giit niya. Naubos na niya ang cake at juice. Kumuha siya ng mint candy sa bulsa ng bag niya saka isinubo. “Walang espesyal sa pagtrato ko kay Cole,” sagot nito. “Okay. Pero totoo bang nagsi-share siya sa ‘yo tungkol sa personal niyang buhay?” “Yes. Choice niya ‘yon at hindi ko hiniling na mapalapit siya sa akin.” “Ano ang mga natuklasan mo sa kanya?” “He’s independent. Siguro noong panahong nagkukuwento siya sa akin ay wala pa siyang girlfriend. Pero may binanggit siya sa akin na babaeng gusto niyang pakasalan pero bigla raw nawala. I ju