“ANAK… Bia, anak...” Nang unti-unting imulat ni Bia ang kaniyang mga mata ay medyo nasulo pa siya ng liwanag dahil kulay puti ang buong paligid na kaniyang kinaroroonan. Muli niyang ipinikit ang mga mata. Sandaling ikinundisyon ang paningin bago muling nagmulat. Hindi pa rin nagbabago ang kaniyang kinaroroonan. Puro kulay puti pa rin ang kaniyang nakikita. Ngunit sa pagkakataon na iyon ay malinaw niyang nakita ang mukha ng kaniyang Nanay Agatha. Masayang nakangiti habang nakatingin sa kaniya. “N-Nanay?” aniya na mula sa pagkakahiga ay naupo at mahigpit na niyakap ang kaniyang ina. “Nanay.” Ramdam na ramdam niya ang init na nagmumula rito. Pakiramdam niya ay buhay talaga ito. “Anak, ‘wag mong pahirapan ang sarili mo sa pagkawala ko.” Natigilan siya sa sinabing iyon ng kaniyang ina. Kum

