“ATE BIA, nariyan na po sila,” inporma ni Lynn kay Bia Mula sa pagkakaupo ay tumayo si Bia at pumaling ng tingin sa may entrada ng chapel. Si Samarrah ang unang pumasok sa loob ng chapel habang nakaalalay rito ang asawa nitong si Azriel. Hilam sa luha ang mga mata ni Samarrah at bakas na bakas ang lungkot sa maganda nitong mukha. Pugto rin ang mga mata nitong tiyak na galing sa pag-iyak. Naglakad siya para salubungin si Samarrah na mahigpit siyang niyakap. Ang pinipigil niyang mga luha ay wala na namang humpay sa pagtulo. “Bia,” bulalas pa ni Samarrah sa pahikbing tinig. “Siguradong masaya si Nanay na narito ka,” aniya rito. “Hindi sa ganitong paraan ko gustong makita ulit ang Nanay Agatha, Bia. Alam mo ‘yon.” Oo, alam na alam niya iyon. Nang samahan niya ito sa mismong harapan ng

