“WHAT’S WITH YOU, Geo?” hindi napigilang angil ni Kennedy sa kapatid nang puntahan ito sa silid nito. Hindi man lang natinag ang kaniyang kapatid. Chill lang nang tumayo ito sa kama nito at harapin siya. Ngumiti pa ito sa kaniya. “Bakit, Kuya Ken? May problema ba?” kunway tanong pa nito sa kaniya. Pinaningkitan niya ito ng mga mata. Pinigilan pa niya ang sarili na kuwelyuhan ito. “Bakit kailangan mong magsinungaling?” “Hey. Sa ating dalawa, sino ba ang sinungaling? ‘Di ba, ikaw? Sabi nga sa kasabihan ng matatanda na ang isda ay nahuhuli sa sariling bibig. Thanks to me, napaamin ka rin. Anyways, you’re welcome, Kuya Ken.” “You ruin everything, Geo. Oo, aamin naman kami ni Zebianna. Pero hindi katulad kanina.” Marahas siyang bumuntong-hininga. “Pati ako, lolokohin mo pa? Masaya ka na?”

