“I’M SORRY, anak, pero bawal ka nitong kape,” ani Tami na kinuha kay Bia ang kape na kaniyang tinimpla. Nahabol tuloy ni Bia ng tingin ang tasa ng kaniyang kape. “P-pero gusto ko pong magkape.” “Maupo ka lang diyan at ikukuha kita ng gatas.” “Hayaan mo na ang mommy mo, anak,” ani KG kay Bia. Tumikhim si Jamil. “Sabi kasi ng doktor, bawal sa iyo ang kape.” Kakauwi nga lang niya kahapon sa mansiyon galing sa ospital at wala siyang ginawa kung ‘di ang magpahinga lamang. Hindi rin umalis sa tabi niya ang Mommy Tami ni Kennedy para asikasuhin at bantayan siya. Bawal daw siyang mapagod masyado. Pati pala kape ay bawal din. Napatingin si Bia kay Kennedy na nasa tabi niya nang hawakan nito ang kaniyang kamay. “Mas okay na maggatas ka muna kaysa sa kape.” “Wala namang problema sa akin,” ani

