WALA NA si Kennedy sa gamit na silid ni Bia nang magising siya kinaumagahan. Siguradong maaga itong lumipat sa silid nito na katapat lang ng kaniyang silid. Huminga nang malalim si Bia. Totoong nasa dating silid niya siya. It was her princess’s looks-alike bedroom. Tanda niya na siya pa ang nag-design ng gusto niyang silid. Mahilig siya sa arts. Gusto nga niya noong kunin na kurso ay Fine Arts. Ngunit nang malaman niya kung anong kurso ang kukunin noon ng una niyang kinilala na Zebianna, na si Samarrah na ngayon ay ganoong kurso rin ang kinuha niya. Mechanical Engineering na kurso. Isinantabi niya ang gustong kurso dahil noon, ayaw niyang bibida-bida ang dating Zebianna sa mata ng mga magulang at kapatid niya. That’s how selfish she is. At nang balak siyang ipadala ng daddy niya sa US

