Book 2 - Chapter 29: One Night Pleasure

2260 Words

“STOP,” ani Geo kay Kennedy nang umakma siyang lalapitan sina Samarrah at Zebianna sa hardin na kinaroroonan ng mga ito. Napalunok siya nang makita niyang lumuhod pa si Zebianna sa harapan ni Samarrah. “Hindi mo ba nakikita?” mariin niyang wika kay Geo kung ano ang ginagawa ni Zebianna ng mga sandaling iyon. “Bakit kailangan niyang gawin ‘yon?” “Let them talk, Kuya Ken,” mariin din wika ni Geo sa kaniya. “They need to talk. Alam mo ‘yan. Hayaan mo si Bia kung ano ang gusto niyang gawin sa harapan ni Sam.” Hindi naman sila pansin ng dalawang babae dahil medyo nakatago sila sa malalagong halaman sa may hardin sa hindi kalayuan sa mga ito. Nang malaman niya na dumating si Samarrah ay agad niyang hinanap kung nasaan si Zebianna. Si Azrah naman ay nasa mommy at daddy nila sa may salas. “M

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD