ARAW NG LUNES, isinama ni Kennedy si Bia sa Lineage Energy. Tubig sa dagat agad ang pinagsawa ni Bia na pagmasdan sa lugar na iyon. Parang kailan lang, pero heto na siya ulit sa planta nila. Sinasamyo ang hanging galing sa dagat. Huminga pa siya nang malalim bago pinuno ng hangin ang kaniyang baga. “Buhay pa ba ‘yong Kuwebang Lampas?” tanong niya kay Kennedy sa isa sa sikat na island hopping destination sa Pagbilao na hindi kalayuan sa mismong planta. “Oo. Pero hindi na siya open for tourist. Hindi katulad noon na puwedeng mag-overnight, mag-picnic. Ngayon, hanggang sa may kuweba lang puwede kapag mag-a-island hopping sa mga isla rito sa Pagbilao. Napakaganda ng tubig sa Kuwebang Lampas, crystal clear. Puti rin ang buhangin. “Gusto mong bisitahin? Puwede naman tayong pumunta roon.”

