NA-SPEECHLESS si Bia nang makita ang loob ng dati niyang silid sa mansiyon na iyon. Bakit napakagaan pa rin ng vibes niyon sa kaniya? Sa dati niyang silid siya dinala ng dati niyang ina. “Nakuwento ba sa iyo ni Ken na na-comatose si Sam noong naaksidente siya?” Ikinurap-kurap ni Bia ang mga mata at binalingan ang dating ina na si Tami. “Opo. Patawad po sa nangyari noon. Kung hindi po dahil sa pagtatalo namin, hindi po sana siya na-comatose.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Walang may gusto sa nangyari. Alam ko at naniniwala ako na hindi mo ginusto na mangyari ‘yon kay Sam. Ibang silid ang pinagamit ko sa kaniya dito sa bahay noong dito na siya tumira. Kaya itong silid mo, naka-reserve ito para sa iyo. Umaasa kasi ako na isang araw babalik ka. Para,” lumunok si Tami para alisin ang tila b

