NANG SA wakas ay masilayan ni Bia ang unang kinilalang ina ay hindi niya mapigil ang mga luha na parang balon na panay ang balong. Labing isang taon niya itong hindi nakita. At ngayon na nasilayan niya itong muli, sobrang saya ng puso niya. Para bang sa pagkakataon na iyon, wala na siyang mahihiling pa. “Z-Zebianna?” bigkas ni Tami na agad nangilid ang luha nang ma-confirm ang katotohanan na siya nga si Zebianna. “Anak,” anito na halos takbuhin ang pagitan nila at mahigpit siyang yakapin. Hindi man siya nito tunay na anak, pero nakilala pa rin siya nito kahit na labing isang taon na ang lumipas. At higit sa lahat, tinawag siya nitong ‘anak’ na lalong nagpaluha sa kaniya. Ano ba ang tamang itawag niya sa dating ina? Hindi niya alam. “Oh, God, it’s really you,” lumuluha sa kasiyahang wik

