“BABE, okay lang ako. Hindi ko na rin kailangan pang magpa-check-up,” paninigurado pa ni Bia kay Kennedy habang pauwi sila sa Pagbilao galing sa Chelary Tower sa Lucena City. “Unusual ‘yong nangyari sa iyo kanina. God knows kung gaano akong nag-alala sa iyo. At hindi rin ako mapapanatag kung hindi tayo nakakasiguro na okay ka lang talaga.” “Pero ‘di ba, sabi ng nurse, okay lang ako?” giit ni Bia sa nobyo. “Pero ‘yong nurse rin ang nag-suggest na much better pa rin na mag-undergo ka ng check-up.” Napabuntong-hininga si Bia. Humawak din siya sa braso ni Kennedy habang nagmamaneho ito. “Babe, okay lang ang pakiramdam ko. Siguro, nasobrahan lang ako sa kain kanina,” dahilan niya. “Ganito na lang, kapag naulit uli ‘yang naranasan mo, ‘wag ka ng makulit. Pupunta tayo sa doktor para ma-check

